Ang Aurora Tech Award, isang pandaigdigang parangal na kumikilala sa mga babaeng tagapagtatag ng mga early-stage technology startup, ay naglulunsad ng isang nakalaang fintech track para sa edisyon nito sa 2026. Itinatampok ng bagong kategoryang ito ang pandaigdigang paglago ng fintech – partikular na ang mga financial solutions para sa pagpapabuti ng access, inclusion, at equity.
Ang nadagdag na category ay sumasalamin din sa pagdami ng mga fintech startup na nag-aaplay para sa parangal. Isang halimbawa ay ang nagwagi noong nakaraang taon, ang HerVest, mula sa Nigeria, na nagbibigay sa mga kababaihan ng access sa savings at investment opportunities, pati na rin ang credit para sa mga babaeng magsasakang smallholder at business owners. Ang misyon ng HerVest ay pagbutihin ang buhay ng mga kababaihan sa pamamagitan ng financial inclusion, na swak sa layunin mg Aurora.
Bukod sa mentorship, kalahok ng fintech track ay makakatanggap ng pinasadyang suporta mula sa inDrive.Money, ang in-app financial service ng kumpanya upang bigyang kapangyarihan ang mga komunidad ng mga drayber. Ngayon ay tumatakbo sa Mexico, Colombia, Peru, at Indonesia, ang inDrive.Money ay nagbibigay sa mga drayber ng mabilis na access sa cash loans at iba pang mga serbisyong pinansyal na tumutulong sa mga tao na bumuo ng katatagan at kalayaan.
Ang inDrive.Money ay maraming karanasan sa pagpapalawak ng mga financial products sa iba't ibang merkado. Magagamit ito para mag-alok sa mga fintech startup ng mga praktikal na opportunies upang lumago at subukan ang kanilang mga solusyon, kabilang ang:
- Pag-access sa mga gumagamit ng inDrive.Money, na nagpapahintulot sa mga startup na subukan at patunayan kanilang mga produkto sa totoong mga kondisyon ng merkado sa bansang pinag-ooperahan ng inDrive
- In-app promotion – para sa mga startup na may malakas na sinerhiya sa inDrive. Sa tinatayang halaga ng media na humigit-kumulang $20,000, magbibigay-daan ito sa mga startup na maabot ang milyun-milyong gumagamit.
Samakatuwid, ang bagong fintech track ay nag-uugnay sa mga founders sa real-world testing environment, global visibility, at ang pagkakataong palawakin ang mga solusyon na ginagawang mas patas ang access sa pananalapi.
Ang mga benepisyong ito ay nakakatulong sa mas malawak na programa ng mga finalist ng Aurora Tech Award , na nagbibigay sa lahat ng finalist ng:
- Pag-access sa isang napiling network ng mga mamumuhunan at mga kasosyong estratehiko
- Paggabay at pagbabahagi ng kaalaman mula sa pandaigdigang pangkat ng inDrive
- Mga mapagkukunan upang lumago, mangalap ng pondo, at mag-expand sa buong mundo
Ang mga ito ay nagsasama-sama upang mag-alok ng isang makapangyarihang launchpad, na tumutulong sa mga startup na pinamumunuan ng kababaihan na palakasin ang kanilang mga modelo ng negosyo at palawakin ang kanilang panlipunan at pinansyal na epekto sa buong mundo.
“Ang Fintech ay isa sa mga pinakadinamikong sektor na humuhubog sa ating kinabukasan at ang mga kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na lugar dito. Sa paglulunsad ng nakalaang track na ito, kami, kasama ang Aurora tech award, ay naglalayong suportahan ang mga founders na hindi lamang nagtatayo ng magagandang produkto kundi nagpapalawak din ng pagsasama sa pananalapi at pagkakataon sa kanilang mga komunidad,” sabi ni Alina Zavorokhina, Senior Head of Business & Growth inDrive.Money
Ang open callpara sa 2026 Aurora Tech Award ay tatagal hanggang Nobyembre 12, 2025
Ang mga babaeng founders ay maaaring magsumite ng online na aplikasyon sa www.auroratechaward.com/fintech-track
Mga pamantayan sa pagiging kalahok:
- Itinatag o isinama sa pagtatatag at pinamunuan ng isang babae
- Nakarehistro nang hindi hihigit sa 5 taon na ang nakakaraan
- Magkaroon ng gumaganang prototype, MVP, o mga naunang kliyente
- Sa yugto ng pre-seed o seed
- Hindi hihigit sa $6 milyon ang nalikom na kabuuang pondo (kasama ang seed round)
Ang mga finalist ay susuriin batay sa inobasyon, scalability, at epekto sa lipunan ng isang natatanging hurado na binubuo ng mga mamumuhunan at eksperto sa industriya. Ang mga mananalo ay tatanggap ng mga gawad na cash grant na $50,000 para sa unang karangalan, $20,000 para sa pangalawang karangalan, at $15,000 para sa ikatlong karangalan.
Inilunsad ng inDrive noong 2021, ang Aurora Tech Award ay nagbibigay-kapangyarihan sa mga startup na pinamumunuan ng kababaihan na pinagsasama ang inobasyon at ang epekto sa lipunan. Pinagsasama-sama na ngayon ng parangal ang mga tagapagtatag mula sa MENA, LATAM, Central Asia, at APAC, na nagsusulong ng mga solusyon sa healthtech, AI, fintech, edtech, at agrotech. Sundan ang Aurora Tech Award sa LinkedIn para sa mga update, kwento ng tagumpay, at mga pananaw mula sa mga kababaihang humuhubog sa kinabukasan ng teknolohiya.



